NAGTAPOS ngayong Biyernes ang 326 cadets ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.
Anim sa mga ito ay mga babae na nakapasok sa Top 10 ng PAGLAOM Class of 2026.
Nanguna bilang valedictorian si Police Cadet Van Marie Editha Gundaya Cagasan, habang Top 3 naman si Police Cadet Joanne Gwen Buscagan Huiso.
Kabilang din sa Top 10 sina:
Top 6: Cadet Kharen Mae Gulfo
Top 7: Cadet Hazelyne Pearl Magora
Top 8: Cadet Mary Angel Rea Espida
Top 9: Cadet Trixia Raye Ajose
Ipinapakita ng kanilang tagumpay ang patuloy na pag-angat ng kababaihan sa larangan ng law enforcement.
(TOTO NABAJA)
75 