6 TULAK LAGLAG SA BUY-BUST

ANIM na katao ang natimbog sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District sa Sta. Cruz, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, target ng operasyon ng mga tauhan ni P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD-Station 3, si Lalaine Puno y Arceo, 36, na agad nadakip kasama ang iba pang mga suspek na sina Josephine de Guzman, 52; Renante Dela Cruz, 43; Arnold Bautista, 32; Almer Alipio, 42, at Dan Harvey Tamayo, 44-anyos.

Batay sa ulat ni P/Major Pidencio Saballo, hepe ng MPD-SDET bandang ala-1:00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation sa panulukan ng Oroquieta at San Lazaro streets sakop ng Brgy. 337 sa Sta. Cruz, sa pangunguna ni P/MSsgt. Rommel Rey.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong sachet ng umano’y shabu na tinatayang P92,200 ang street value.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

287

Related posts

Leave a Comment