NAKAPAGTALA ng anim na volcanic quakes sa nagdaang 24 oras ang Philippine Institute of Volcanology
and Seismology sa paligid ng Taal Volcano sa Tagaytay.
Sinabi ng PHIVOLCS na Alert Level 1 (Abnormal) ang siyang patuloy na estado nito.
Bukod sa lindol, may nakikita silang kaunting usok mula sa bunganga ng bulkan lalo na sa patungo ng
Daang Kastila Trail.
Giit ng PHIVOLCS na ang Alert Level 1, o ang “sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic
earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas” ang maaring
mangyari kaya’t dapat mag-ingat ang publiko sa pagtungo sa Taal Volcano Island lalo na sa Permanent
Danger Zone o PDZ, kabilang ang vicinity ng Main Crater nito at Daang Kastila na bawal puntahan.
(CATHERINE CUETO)
164
