’60 SECONDS + 5 CLICKS’ LANG SALARY LOAN SA SSS, APRUB AGAD

MAAARI nang maaprubahan sa loob ng “60 seconds + 5 clicks” ang salary loan ng self-employed, voluntary, at overseas Filipino workers na miyembro ng Social Security System (SSS).

Kaugnay ito sa 65th founding anniversary ng SSS noong Setyembre 1.

Simple lamang ang gagawin ng mag-a-apply na miyembro, kailangan nito mag-log in sa kanilang My.SSS account sa pamamagitan ng SSS website o mobile application, i-click ang “Apply for Salary Loan” at i-fill out ang mga required na impormasyon, tumuloy sa confirmation o approval ng susunod na hakbang at pagkatapos ng 60 segundo ay makatatanggap na ang aplikante ng notification sa kanilang inbox na nagkukumpirma ng kanilang loan approval.

Gayunman, nilinaw ng ahensiya na ang loan application ng isang employee-member ay kinakailangang sertipikado muna ng kanyang employer bago aprubahan.
Pinaalalahanan din nito ang publiko na palaging sumunod sa loan payment amortization gamit ang SSS’ Payment Reference Number. (CHRISTIAN DALE)

186

Related posts

Leave a Comment