63 PINOY MULA UKRAINE NAKABALIK NA SA PINAS

NAKABALIK na sa bansa ang 63 Pilipino mula sa Ukraine.

“We are happy that 199 Filipinos are already out of harm’s way. A total of 63 have arrived from Ukraine, and 136 are awaiting repatriation,” ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola sa Laging Handa briefing noong Miyerkoles.

Noong Lunes ay itinaas ng DFA sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa Ukraine dahil sa ginagawang pag-atake ng Russia.

Sinabi ni Arriola, mayroon pa ring mga Pinoy sa Ukraine ang tumatangging umuwi ng bansa.

Ang katuwiran ng mga ito, hindi nila maiwan ang kanilang trabaho at ang iba ay nagkaroon na ng pamilya roon.

“Doon po talaga sa iba who refused to go back home, binigyan natin sila ng financial assistance mula sa Honorary Consulate natin sa Kyiv at ‘yung presence ng ating embahada sa Lviv. ‘Yung ating seafarers, nakikipag-ugnayan ang DFA with POEA (Philippine Overseas Employment Administration) and the local manning agencies, and we’re doing everything we can para ma-extract sila,” ani Arriola.

Aniya, nakikipag-ugnayan din ang DFA sa ibang ahensiya tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Social Welfare and Development (DSWD), para matulungan ang mga uuwing Pinoy. (CHRISTIAN DALE)

124

Related posts

Leave a Comment