6M HOUSING UNITS ITATAYO NG BBM ADMIN

(CHRISTIAN DALE)

TARGET ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng anim na milyong housing units sa susunod na anim na taon sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program.

Ito ayon kay DHSUD Assistant Secretary for Support System Avelino Tolentino ay may production average rate na isang milyong housing units kada taon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Tolentino na ang pondo na ilalaan sa programa ay hindi direktang gagamitin sa housing construction, sa halip ay sa housing interest support.

“Kapag po naglagay tayo ng housing interest support doon sa ating mga benepisyaryo, tataas po ang kanilang affordability level at magiging bankable po sila –meaning to say, iyong account po nila, puwede po nating i-take out sa bangko at iyon po ang sikreto ng programang ito dahil po hindi na po magiging dependent sa General Appropriations Act ang pagtatayo po ng pabahay,” anito.

Tinukoy ni Tolentino ang data mula sa Philippine Statistics Authority na nagpapakita na ang bansa ay nangangailangan ng 6.5 milyong housing units kada taon.

“So iyan po ang gusto nating solusyunan, gusto nating sagutin; kaya nga po ang programa ng ating Pangulong Bongbong Marcos ay ang magkaroon po, mag-produce po tayo ng one million housing units per year,” ayon kay Tolentino.

Sinabi pa ni Tolentino na ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ay hindi lamang niya nakikitang solusyon sa housing backlog kundi makapagdadala rin ng mga pakinabang sa ekonomiya para sa bansa matapos ang pandemya.

Sa House Committee on Appropriations budget hearing kasama ang DHSUD, natuwa ang mga mambabatas na marinig ang tungkol sa programa, sabay sabing “it is innovative” at “out of the box”.

Ani Tolentino, ang papel ng Kongreso ay napakahalaga para makatulong sa maayos na implementasyon ng mga programa ng DHSUD.

“Kailangang-kailangan po ang tulong ng ating mga kongresista dahil ito pong programang ito ay mangangailangan po ng pondo na ang magdedesisyon po ay ang ating House of Representatives.

So natutuwa po kami at nakikita namin sila na magiging partners dito sa ating programang ito ,” ayon kay Tolentino.

Samantala, sinabi naman ni DHSUD Secretary Jose Acuzar, mula nang maupo siya sa kanyang puwesto ay nakipagpulong na siya sa local government units (LGUs) at binisita ang mga posibleng housing project sites sa buong bansa.

Sinabi ni Acuzar, mayroon ding mahalagang papel ang LGUs para gawing posible ang inisyatiba ng ahensya.

378

Related posts

Leave a Comment