7 DAGDAG SA COVID DEATHS SA 2 CAMANAVA CITIES

ANIM ang naitalang namatay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Setyembre 12, ayon sa City Health Department.

Bunsod nito, umakyat sa 586 ang COVID death sa lungsod habang 63 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 18,883 ang positive cases sa siyudad, 983 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Baritan (1), Catmon (4), Concepcion (18), Flores (5), Maysilo (1), Muzon (2), Niugan (1), Panghulo (1), Potrero (9), San Agustin (7), Tañong (1), Tinajeros (4), at Tonsuya (9).

Habang 78 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Baritan (11), Catmon (1), Concepcion (14), Flores (2), Longos (16), Maysilo (9), Muzon (4), Niugan (6), Potrero (7), San Agustin (1), Tonsuya (6), at Tugatog (1). Sa kabuuan ay 17,314 ang recovered patients ng Malabon.

Isang COVID-19 patient naman ang binawian ng buhay sa Navotas City habang 1,715 ang active cases sa lungsod matapos na 115 ang gumaling at 18 ang nagpositibo sa virus hanggang 11:59 pm noong Setyembre 12. 

Pumalo na sa 15,954 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 13,764 na ang gumaling at 475 ang namatay. (ALAIN AJERO)

199

Related posts

Leave a Comment