700 GRAMO NG SHABU HULI SA ENTRAPMENT NG PDEA

PAMPANGA – Arestado ang isang 27-anyos na drug personality sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency makaraang makumpiskahan ng 700 gramo ng umano’y shabu sa siyudad ng San Fernando sa lalawigan.

Ayon ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan nitong Martes sa isang shopping mall open parking space bandang alas-4:55 ng hapon at target ang drug suspect na kilalang si alyas “Satar”, 26, mula sa Lanao del Norte.

Nakumpiska mula sa suspek ang pitong knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng umano’y shabu na tinatayang 700 gramo at mahigit P460,000 ang street value.

Pinapurihan naman ni Usec. isagani ang mga tauhan ng PDEA Central Luzon Regional Office, katuwang ang PDEA Pampanga Provincial Office, PDEA CALABARZON Special Enforcement Team 1 (RSET I), at City of San Fernando Police Station sa matagumpay na pagdakip sa nasabing suspek. (JESSE RUIZ)

125

Related posts

Leave a Comment