WALANG pagsidlan ng kasiyahan si Mayor Toby Tiangco ng Navotas City dahil 76% na ng mga tinamaan ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan ang gumaling na, makaarang umakyat sa 3,004
ang gumaling mula sa 3,935 na nagpositibo sa nasabing nakamamatay na sakit.
Bukod dito, sa unang pagkakataon sa mahabang panahon ay walang naiulat na bagong kaso o namatay dahil sa pandemya noong Agosto 20.
“Doble po ang kasiyahan natin dahil 69 na mga Navoteño ang kapiling na ngayon ng kanilang mga mahal sa buhay matapos gumaling sa sakit,” ani Tiangco.
“Gayunpaman, patuloy po ang ating paalala na mag-ingat para hindi mahawaan. Mas maluwag na po tayong makagagalaw pero mas malaki naman ang tsansa na ma-expose sa virus,” patuloy ng
alkalde.
Hanggang alas-8:30 ng gabi noong Huwebes, 834 o 21% ng mga nagpositibo sa COVID sa lungsod, ang nananatiling active cases, habang 115 o 3% ang sumakabilang-buhay.
Nagpaalala naman ang alkalde sa mga pumapasok sa trabaho na huwag magbaon o magpasalubong ng virus. (ALAIN AJERO)
191
