8 DRUGSTORE EMPLOYEES NAOSPITAL SA GAS LEAK

MAKARAAN ang anim na oras sa Manila Doctors Hospital, pinalabas ang walong empleyado ng Mercury drug, matapos makaramdam ng pagkahilo at paninikip ng paghinga dahil sa nalanghap na masangsang na amoy mula sa nag-leak na gas sa generator na binuksan nang mag-brown-out noong linggo ng tanghali sa Zamora St., Pandacan, Manila.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 10, kinilala ang mga empleyado na sina Ricky Pelayo, Juvy Muldong, Yna Angela Jose, Gielen Salvador, Anna Marie Pinel, Charlene Mae Ednante, Arlene

Tanglao at Mar Rose Dongato, pawang empleyado ng Mercury Drug sa nasabing sangay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nngyari ang insidente bandang12 :00 ng tanghali sa ikalawang palapag ng Mercury Drug habang nanananghalian ang mga empleyado makaraang mag-brown out.

Kaagad naman nai-switch ang electric generator pero makalipas ang ilang minuto ay nagsimula nang mahilo at nahirapang huminga ang walong biktima kaya mabilis silang isinugod sa pagamutan.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang assistant manager ng naturang Mercury branch, na kinilala sa pangalang Arlene hinggil sa insidente.

Dakong 6:00 ng gabi nang i-discharge sa pagamutan ang mga empleyado matapos na bigyan ng lunas. (RENE CRISOSTOMO)

185

Related posts

Leave a Comment