8 OFWs ATUBILI SA PAGLIKAS SA UKRAINE

WALO sa 181 Pilipino mula sa Ukraine ang hindi pa desidido sa pag-repatriate sa Pilipinas at nananatili pa rin sa Philippine Command Center sa Poland.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, sa 181, 106 ang overseas Filipino workers (OFWs), 30 ang may asawang Ukrainian, at 50 ang dependents.

Noong Pebrero 27, nasa 38 Filipino ang inilikas mula sa Kyiv patungo sa command center, at siyam ang lumikas sa Austria.

Sa walo na nananatili sa command center, umaasa si Bello na papayag sila na makauwi na.  Nangako siya na may mekanismo naman para makakuha sila ng panibagong trabaho at kung hindi sila makahanap ay bibigyan sila ng livelihood package depende sa kanilang kuwalipikasyon.

Handa naman umanong magbigay ang Labor office sa Prague at Germany sa mga OFW na apektado ng giyera, ng $200 halaga bawat isa, pagkain at tulong medikal.

Noong Linggo, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 22 Pilipino mula sa Ukraine ang naghihintay ma-repatriate. (RENE CRISOSTOMO)

153

Related posts

Leave a Comment