8 SUGAROL NAAKTUHANG NAGSA-SHABU

MAGKAKASABAY na dinampot ng pulisya ang walong pasaway na sugarol matapos maaktuhang humihitit ng shabu habang nagsusugal ng cara y cruz sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldy Ylagan ang mga nadakip sa unang grupo na sina Christopher Guerrero, 25; Domingo Salire, 24; Erwin Arogante, 28 at John Kenneth Diosa, 20, habang ang isang grupo naman ay kinabibilangan nina Benedict Viola, 21; Eugene Manalo, 42; Joel Montero, 24 at Arnel Oliverio, 39, na pawang mga residente ng Brgy. 178, Camarin.

Sa ulat na ipinarating kay Gen. Ylagan, magkasunod na natanggap ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 15 ang text message at tawag sa telepono ng concerned citizen kaugnay na nagaganap na pot session at pagsusugal ng cara y cruz sa Sanana Street, Miramonte Heights, Brgy. 180, ng ilang kalalakihan sa kabila ng pinaiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) dakong alas-9 ng gabi.

Bumuo kaagad ng dalawang team ang pulisya at mabilis na tinungo ang lugar kung saan inabutan nila ang dalawang grupo ng kalalakihan na nagsusugal habang humihitit ng shabu.

Nakumpiska sa dalawang grupo ang tigatlong coins na ginagamit bilang pangara, ilang piraso ng salaping papel at drug paraphernalia. (FRANCIS SORIANO)

185

Related posts

Leave a Comment