UMAKYAT na sa 859 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa hanay ng Philippine Coast Guard frontliners, base sa kanilang huling datos.
Ito ay matapos madagdagan ng 96 ang bilang ng mga tauhan ng PCG na nagpositibo sa coronavirus.
Ngunit nilinaw ni PCG Spokesman Armand Balilo, sa nasabing bilang, 708 na rito ang gumaling makaraang madagdagan ng 131 new recoveries.
Dahil dito, 151 na lamang ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagamot.
Tiniyak ng Coast Guard, ang nagpositibong mga tauhan ay agad aalis sa kanilang stations at bibigyan ng medical assistance.
“The health condition of PCG frontline personnel are regularly monitored through various efforts such as swab testing amid the COVID-19 pandemic,” ayon sa PCG.
Bukod dito, kumpleto rin umano ng supplies ng PPE sets, at iba pang pangangailangang medical ang kanilang mga tauhan.
Nabatid na nakatakda ring magkakaroon ng sariling quarantine facility ang PCG na kayang maka- accommodate ng hanggang 224 frontline personnel. (JESSE KABEL)
188 