88 NEW COVID-19 CASES NAITALA SA HANAY NG PNP

SA tala ng PNP-Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) umabot sa 88 ang nadagdag sa bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (March 9), 11,830 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Ayon sa report na ibinahagi ni ASCOTF Commander P/Lt General Guillermo Eleazar, sa nasabing total cases, 633 ang aktibo. 44 namang pulis ang gumaling sa nakahahawang sakit kaya nasa 11,165 na ang total recoveries sa hanay ng PNP.

Wala namang napaulat na bagong nasawi sa PNP kaya nanatiling nasa 32 ang COVID-19 related deaths nito. (JESSE KABEL)

443

Related posts

Leave a Comment