SIYAM ang naitalang bagong namatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area noong Marso 11, habang umakyat sa 2,133 ang active cases at sumipa sa 1,243 ang death toll.
Sa Caloocan City, 488 na ang namatay at 520 ang active cases, habang 15,216 ang confirmed cases at 14,208 ang total recoveries.
Isa naman ang patay sa Barangay Baritan at isa rin sa Barangay Panghulo, Malabon City, habang 74 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 7,560 ang positive cases sa lungsod, sa bilang na ito ay 625 ang active cases.
Habang 33 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,663 ang recovered patients ng siyudad at 272 ang COVID-19 casualties.
Binawian naman ng buhay ang isang COVID-19 patient sa Navotas, habang umakyat sa 5,436 ang active cases.
Umabot na sa 6,539 ang total cases sa lungsod, mula sa bilang na ito ay 5,789 na ang gumaling at 204 ang namatay.
Isa namang pasyenteng may COVID-19 ang namatay sa Valenzuela City habang lumobo sa 442 ang active cases matapos na 90 ang magpositibo at 67 lamang ang makarekober.
Ang confirmed cases sa Valenzuela City ay umakyat na sa 10,644, at mula sa bilang na ito ay 9,923 na ang gumaling at 279 ang namatay. (ALAIN AJERO)
