935 PUBLIC SCHOOL STUDENTS TARGET SA CASH ASSISTANCE

TINATAYANG nasa 935 estudyante ng pampublikong paaralan ang mababahaginan ng cash assistance mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Ang cash assistance ay ikalawang batch sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) at naipamahagi sa koordinasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa San Andres Complex, Manila.

Ayon sa pamahalaang lokal, ang mga benepisyaryo ay binubuo ng Grade 1 hanggang Senior High School mula sa Baseco Community hanggang sa ikalimang distrito ng lungsod.

Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng P5,000, na layong makatulong sa gastusin sa kanilang pag-aaral.

Pinaalalahanan naman ng Manila LGU ang mga magulang ng mga estudyante na gamitin ang cash aid sa pag-aaral ng kanilang mga anak at hindi para sa pagbabayad ng utang. (RENE CRISOSTOMO)

267

Related posts

Leave a Comment