UMABOT sa 96 na sangkot sa illegal gambling o (e-sabong) ang naaresto sa pinaigting na kampanya kontra sugal ng Police Regional Office 7.
Ayon sa ulat ni PRO7 Regional Director P/BGen. Roderick Alba kay PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang pag-aresto ay batay sa direktiba nito na magpatupad ng crackdown laban sa e-sabong operation.
Nabatid sa talaan ng PRO7, ang operasyon ay isinagawa mula Disyembre 9, ika-5:00 ng umaga hanggang Disyembre 10, dakong ika-5:00 ng umaga.
Samantala, sa kampanya kontra droga, sa 12 drug operations ay labing-walo ang naaresto at nakumpiska ang 66.25 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P450,500.
Habang nakapagsagawa ng 50 illegal gambling operations na nagresulta sa pagkakahuli ng 117 katao, nakumpiska ang 100 gambling paraphernalia at cash na P18,911.
Sa kampanya sa loose firearms, isa ang nadakip at 7 sumuko, habang 29 katao naman ang nahuli sa 27 operasyon laban sa mga wanted sa batas.
Sa dagdag na mga acomplacement ng pulisya sa Region-7, iniulat din ni BGen. Alba, naaresto sa drug operation si Junrey Igot Cacha, isang high value target, at nasamsam ang 50.45 grams ng droga na nagkakahalaga ng P343,060.
Habang natagpuang bangkay ang isang nagngangalang Marc Castor, 48, binatang Filipino-American, sa loob ng kwarto na kanyang tinutuluyan sa Hennan Resort sa Tawala, Panglao, Bohol. (ENOCK ECHAGUE)
