KINASUHAN na sa Department of Justice (DOJ) ng Criminal Investigation and Detection Group ang 97 indibidwal kaugnay ng marahas na rally sa Mendiola noong Setyembre 21.
Sa isinagawang press briefing nitong Lunes sa Camp Crame, sinabi ni CIDG acting director, MGen. Robert Alexander Morico III, sinampahan ng kaso ang mga ito sa Department of Justice noong Oktubre 28 dahil sa paglabag sa Article 142 (Inciting to Sedition), Article 136 (Conspiracy) at Article 139 (Sedition) ng Revised Penal Code.
Ang mga kinasuhan ay kabilang sa mga lumahok sa violent assembly sa Mendiola na nagresulta sa kaguluhan at pinsala sa ilang ari-arian.
Sinabi ni Morico, ito pa lamang ang unang batch ng mga kinasuhan, at patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy at kasuhan ang mga nagplano, nagpondo, at nasa likod ng naturang kilos-protesta.
(TOTO NABAJA)
77
