PAGHAHANDA SA BSKE IPINORMA SA QUEZON

BILANG paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election 2023, sinimulan nang paganahin ang Quezon Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) for BSKE 2023, Sabado ng umaga sa Lucena City.

Ang pag-arangkada ng PJSCC ay dinaluhan nina Provincial Election Supervisor, Atty. Allan S. Enriquez, Quezon Police Provincial Office Provincial Director, PCOL Ledon Monte at mga kinatawan ng AFP.

Naroon din ang lahat ng hepe ng pulisya sa bawat bayan at munisipalidad at ang mga election officer sa buong probinsya.

Ayon kay Ledon, mas paiigtingin ng Quezon PNP ang pagbabantay sa mga aktibidad sa papalapit na halalan, at pakikiisa para masiguro ang isang ligtas at payapang pagsasagawa ng BSKE 2023.

Mahigpit din nilang imomonitor ang mga lugar na posibleng magkaroon ng untowards incidents.

Ang PJSCC ay nakasaad sa mandato ng Comelec Resolution No. 10924.

(NILOU DEL CARMEN)

228

Related posts

Leave a Comment