Kahirapan nagtulak sa mga miyembro na umanib ‘KULTO’ NI SENIOR AGILA BUBUSISIIN NG KAMARA

KAHIRAPAN, kawalang ng oportunidad at suporta ng gobyerno ang dahilan kung bakit marami ang naeengganyo na sumali sa mga kulto, tulad ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) sa Socorro, Surigao del Norte.

Bunsod nito, naghain si House Committee on Human Rights chairman, Rep. Bienvenido Abante Jr., ng resolusyon para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa SBSI dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao ng organisasyon sa kanilang mga miyembro.

“Out of desperation and lack of meaningful support amid crisis, many families are driven into false promises and are unable to escape nor report those who exploit their desperation, as in the case of the victims of the SBSI cult,” ani Clarice Palce, Secretary-General ng Gabriela.

Sinabi nito na walang maeengganyo ang mga lider ng mga kulto na sumanib sa kanila kung maresolba lamang ng gobyerno ang kahirapan sa bansa at buhusan ng tulong ang mga kababaihan at kabataan na siyang target ng mga ganitong uri ng organisasyon.

Sa ilalim naman ng House Resolution (HR) 1326 na inakda ni Abante, magsasagawa ng imbestigasyon ang kanyang komite dahil nakababahala aniya ang malawakang human rights violation ng SBSI na pinamunuan ni Jey Rence Quilario, binansagang ‘Senior Agila’ at reincarnation umano ng batang Hesus.

Kabilang sa mga alegasyong ibinabato sa mga lider ng SBSI ay pagkakasangkot ng mga ito sa human trafficking, kidnapping, serious illegal detention, child marriage, child abuse and exploitation, na hindi dapat palagpasin.

Ayon kay Abante, itinatag ang SBSI na may 5,000 miyembro, noong 2019 kung saan tumayong pangulo si Rosalina L. Taruc na ang layon ay magbayanihan o magtulong-tulong ang mga ito para sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

Ngunit nakumbinsi umano ng mga miyembro ng SBSI si Taruc na “reincarnation ni Sto. Niño” si Quilario, kaya bumaba ito sa pagiging pangulo ng organisasyon at ipinaubaya ang pamumuno sa huli.

“Since then it is public knowledge in the locality that the SBSI has slowly been transformed into a cultic group and changed its course from the path of peaceful co-existence with the government, the community, and other stakeholders into the ‘surprising’ journey of controversy,” ayon sa resolusyon ni Abante.

(BERNARD TAGUINOD)

814

Related posts

Leave a Comment