HINDI na nagulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbaba ng kanyang approval rating sa third quarter ng 2023, batay sa survey ng Pulse Asia.
Ang katwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang sentimyento ng publiko.
Naniniwala ang Chief Executive na ang pagtaas ng presyo ng bigas ang labis na nakaapekto sa pagbaba ng kanyang approval rating.
“It’s not surprising. People are having a hard time. Bigas ito, eh. Ibang usapan pag bigas. It’s different from anything else, any other agricultural product. I completely understand it, and that’s why we’re working very very hard to make sure that this comes up again– not because of the survey, that’s not important to me,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam sa Taguig City.
Nauna rito, bumaba ang trust at approval ratings nina Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte sa third quarter ng 2023.
Sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey nitong Lunes, Oktubre 2, tinatayang sumipa sa 65% ang approval rating ng Pangulo noong Setyembre kumpara sa 80% noong buwan ng Hunyo.
Kitang-kita na bumaba ito ng 15%.
Habang 11 puntos naman ang ibinaba ng approval rating ni VP Sara dahil 73% ito nito lamang Setyembre mula sa 84% noong Hunyo.
(CHRISTIAN DALE)
460