PROV’L BUS HUHULIHIN SA PAGSAKAY/BABA NG PASAHERO SA EDSA 

prov bus12

(NI ROSE PULGAR)

SIMULA sa Lunes (Abril 22), magsisimula nang manghuli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga provincial buses na magbababa at magsasakay ng mga commuters sa EDSA at sa major roads sa Metro Manila.

“Provincial buses are not allowed to load and unload passengers along EDSA and other major roads in Metro Manila,” ani Garcia.

Sa halip ay gamitin nila ang mga respective terminals para sa picking-up at  dropping-off  ng mga pasahero o kaya dapat ay point to point sila.

Papatawan ng multang P500 ang mga violators nito.

“It is about time we enforce discipline to restore order on the roads,”  ayon pa kay Garcia.

Sabi pa ni Garcia, pagkatapos ng Semana Santa  ay ipatutupad na ang dry run para sa closure ng mga provincial buses terminals.

Ayon kay Garcia, sa isasagawang dry run, obligadong gamitin ng mga ito ang Paranaque Integrated Terminal Exchange, mga transport facility sa Sta. Rosa Laguna at  Valenzuela City.

“We will write all concerned local government units for the eventual closure of the terminals along EDSA,” dagdag pa ni  Garcia.

Target ng MMDA na maipasara ang 47 bus terminals sa EDSA ngayong Hunyo.

 

 

144

Related posts

Leave a Comment