LALAKI NAPUTULAN NG PAA SA PABRIKA NG PAPUTOK SA LIPA

BATANGAS – Malubhang nasugatan ang isang manggagawa matapos masabugan ng mga pulbura na sangkap sa paggawa ng firecrackers sa Lipa City noong Huwebes ng tanghali.

Ayon sa report ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL), nangyari ang pagsabog sa makeshift na pagawaan ng mga paputok na pag-aari umano ng isang Judd Nelson Corral sa Sitio PNB, Brgy. Talisay.

Kinilala ang biktimang si Rex Javier, 23, taga Brgy. Majada, Calamba City, Laguna, na dumanas ng grabeng pinsala sa ibabang bahagi ng katawan at naging dahilan ng pagkaputol ng isang paa nito.

Ayon sa imbestigasyon, sinabi ng testigo na si Bejourn Losabia, nasa loob siya ng comfort room dakong alas-11:30 ng tanghali nang makarnig siya ng malakas na pagsabog mula sa labas.

Nang kanyang tingnan, nakita na lamang nito ang katrabaho na nakahandusay sa sahig at duguang humihingi ng tulong.

Agad itong isinugod sa Lipa City District Hospital para lapatan ng lunas.

Napag-alaman sa imbestigasyon na sumabog ang firecracker powder na nakalagay sa isang kahon.

Nasunog din ang ilang bahagi ng istraktura at naapula ang apoy dakong alas-3:00 ng hapon.

Agad namang kinordon ng pulisya ang lugar para maiwasan pa ang anomang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung legal o may permit ang pagawaan ng paputok.

(NILOU DEL CARMEN)

695

Related posts

Leave a Comment