HUC NG SJDM SUPORTADO NG BULACAN MAYORS

bulacan

SINUPORTAHAN ng lahat ng municipal at city mayors sa Bulacan ang panukalang i-convert bilang Highly Urbanized City (HUC) ang City of San Jose del Monte (CSJDM) na tanging lone district ng nasabing lalawigan.

Ito ang nilalaman ng Manifesto ng Pagsuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan” ng League of Municipalities of the Philippines, Bulacan na nilagdaan ng 23 Local Government.

“Kaming mga halal na Punong Bayan ng iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa Lalawigan ng Bulacan ay nagkakaisa at buong tibay na sumusuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan bilang isang Highly Urbanized City (HUC) sa Lalawigan ng Bulacan,” bahagi ng manifesto.

Kabilang sa mga lumagda dito sina Mayors Christian D. Natividad (Malolos), Glorime Faustino (Calumpit), Ma. Rosario Ochoa-Montejo (Pulilan), Flordeliza Cruz-Manlapaz (Hagonoy), Vergel C. Meneses

(Bulakan), at Maryanne P. Marcos (Paombong) ng unang distrito.

Mula naman sa ikalawang distrito ang signatories ng manifesto ay sina Mayors Francis Albert “Iskul” G. Juan (Bustos), Ferdinand V. Estrella (Baliwag), at Jocell Aimee R. Vistan-Casaje (Plaridel) at sina Mayors Ronaldo T. Flores (Dona Remedios Trinidad), Fernando Galvez Jr. (San Ildefonso), Mark Cholo Violago (San Rafael) at Roderick DG Tiongson (San Miguel) ng ikatlong distrito.

Sinuportahan din nina Mayors Henry R. Villarica (Meycauayan), Ricardo M. Silvestre (Marilao), at Leonardo DL Valeda (Obando) ng ikaapat na distrito at ng ikalimang distrito na sina Mayors Eladio E. Gonzales Jr. (Balagtas), Eduardo J. Villanueva Jr. (Bocaue, League President), Enrico A. Roque (Pandi), at Atty. Agatha Paula A. Cruz (Guiguinto) at sina Mayors Reynante S. Bautista (Angat), Maria Elena L. Germar (Norzagaray), at Bartolome D. Ramos (Santa Maria) ng ikaanim na distrito.

Noong Disyembre 4, 2020, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Proclamation No. 1057 na nagsasaad na maging HUC ang CSJDM kapag manalo sa isang plebisito na isasagawa sa Oktubre 30, 2023, kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Dahil dito, pinaigting ng mag-asawang sina Mayor Arthur Robes at Rep. Florida Robes ang kampanya para maipanalo ang plebesito na maging HUC ang kanilang lungsod upang mas mabigyan ng karagdagang atensyon ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

(BERNARD TAGUINOD)

248

Related posts

Leave a Comment