BILANG NG PINOY NA NAGTITIWALA KAY MARCOS BUMABA

TINATAYANG 62% ng mga Pilipino ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang administrasyong Marcos.

Ito ang lumabas sa resulta ng Third Quarter of 2023 “Tugon ng Masa” survey na ginawa ng OCTA Research, isang independent poll.

Sa nasabing survey, na ginawa mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, 2023, sa 1,200 adult respondents sa buong bansa, lumalabas na mula 72% noong Hulyo 2023 ay bumaba ito sa 62% nito lamang Oktubre 2023, itinuturing na “largest percentage drop since October 2022.”

“The percentage of adult Filipinos who think that the country is headed in the right direction decreased in all major areas since July 2023. The largest percentage decrease was in Balance Luzon, where it fell from 71 percent in July 2023 to 57 percent in October 2023, a decrease of 14 percentage points,” ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ng OCTA, araw ng Lunes, Nobyembre 6.

Ang persepsyon o paniniwala naman ng mga adult Filipino, ang bansa tungo sa tamang direksyon ay bumaba rin sa lahat ng socio-economic classes.

“The largest percentage drop was in Class ABC, where it fell from 74 percent in July 2023 to 61 percent in October 2023, a decrease of 13 percentage points. This is followed by a decrease of 10 percentage points among those in Class D,” ayon sa OCTA.

Sa kabilang dako, mayroon namang 20% ang nagpahayag ng negatibong pananaw sa bagay na ito, ang mga ito ay hindi naniniwala na ang bansa ay patungo sa tamang direksyon sa ikatlong quarter ng 2023, kumakatawan sa 11% na pagtaas noong Hulyo 2023.

(CHRISTIAN DALE)

467

Related posts

Leave a Comment