MALAPIT nang makamit ni dating Senator Leila de Lima ang katarungan.
Ito ang paniniwala ng mga kaalyado ni De Lima sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos payagan ni Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Gener Gito na pansamantala itong makalaya sa pamamagitan ng bail na naghahalaga ng P300,000.
“This is the essence of Senator Leila de Lima’s belated grant of bail which is a prelude to her exoneration in all of the three feigned drug charges against her,” ani Liberal Party president at Albay Rep. Edcel Lagman.
Ayon sa mambabatas, halos 7 taon o may kabuuang 2,453 araw na nakulong si De Lima sa aniya’y gawa-gawang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga na isinampa laban kanya ng nakaraang administrasyon dahil sa imbestigasyon nito sa war on drugs sa Davao City.
Ayon naman kay ACT party-list Rep. France Castro, dapat matagal na aniyang pinayagang makalaya si De Lima lalo na’t naabsuwelto na ito sa kanyang unang dalawang kaso subalit nagpasalamat ito dahil sa wakas ay makakalaya na ito.
“Her long detention was an injustice and we hope that those behind her unjust incarceration would be the ones who would be jailed in the near future,” ani Castro.
“It is still a truism that justice can still prevail in the end; it cannot be delayed despite the machinations of the dark forces behind her unjust incarceration. We trust and wish that a free Leila will not only be a dilemma but even become a fierce adversary of those who enabled impunity to run amuck in our country today,” ayon naman kay dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.
(BERNARD TAGUINOD)
254