SA layuning maibsan ang nararanasang gutom sa Pilipinas dulot ng talamak na agricultural smuggling, nagpasaklolo na ang Department of Justice sa Palasyo ng Malakanyang.
Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes na nagsumite siya sa Palasyo ng Malakanyang ng draft executive order na magtatalaga ng “on call” anti-smuggling task force sa mga kaso ng economic crimes.
“I need an ad hoc body to be permanently just on call for agricultural smuggling and probably other economic crimes related to the Bureau of Customs”, dagdag pa ng kalihim.
Noong Hulyo, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang pagpupuslit ng sibuyas at iba pang agricultural products at sinabing isang uri ito ng economic sabotage.
Sa ilalim ng Republic Act 10845, ang krimeng large scale agricultural smuggling ay itinuring na economic sabotage kung ito ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1M para sa sugar, corn, poultry, bawang, sibuyas, carrots fish, gulay at hindi naman bababa sa P10M para sa bigas.
Ang parusa ng pagkakulong ng hindi bababa sa 17 taon ngunit hindi hihigit sa 20 taon at multang doble ng patas na halaga ng ipinuslit na produktong agrikultural.
Mula noong 2016 hanggang Pebrero, 2023 siyam lang sa 159 na malaking kaso ng anti-agricultural smuggling ang naiakyat sa Korte Suprema. Pinakamalungkot ang katotohanan na wala ni isang agricultural smuggler ang nahatulan sa nakalipas na 7 taon.
(JULIET PACOT)
211