P75-B NOV. 2023 COLLECTION NG BOC, LAGPAS SA MONTHLY TARGET

NAKAPAGTALA ng P75.338 bilyon para sa buwan ng Nobyembre 2023, ang Bureau of Customs (BOC) na lagpas sa kanilang monthly collection target.

Ang nasabing pagtugon sa itinalagang target para sa buwan sa pamamagitan ng 1.5%, ay kumakatawan sa revenue surplus na P1.089 billion base sa initial report mula sa BOC’s Financial Service.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2023, ang BOC ay nakalagpas sa kanilang revenue goal, na umabot sa halagang P813.651 bilyon na nalagpasan ang kanilang target na P795.966 bilyon sa pamamagitan ng 2.2%, o katumbas na P17.685 bil­yon.

Ang overall revenue para sa taon, ay nagpapakita sa positibong pagtaas ng 3.08%, katumbas ng hanggang P24.405 bilyon, kung ikukumpara sa nakaraang taong koleksyon na P789.246 bilyon.

Binigyang-diin ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, “Our stringent re­venue collection initiatives resulted in a significant increase in the Bureau’s collection. We are fully committed in enhancing trade efficiency to collect more funds for the various public service programs of our honorable President Ferdinand R. Marcos, Jr.”

Kaugnay nito, pinaig­ting ng BOC ang kanilang digitalization initiatives sa pamamagitan ng makabagong sistema sa paghahanay ng mga hakbang at pagbabawas ng mga oras ng proseso sa import at export transactions.

Karagdagan nito, ang bureau ay pinalakas ang border control at security measures para labanan ang illicit trade at pandaraya sa customs, na nag-aambag ng revenue collection performance.

(JO CALIM)

154

Related posts

Leave a Comment