TUMANGGAP ng pagkilala ang Bureau of Customs (BOC) sa “2023 Ease of Doing Business Convention”, mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Philippine International Convention Center noong Disyembre 1, 2023.
Sa nasabing okasyon, ang BOC ay kinilala sa malaking papel nito sa pagpapahusay ng serbisyo at pagbabawas ng red tape.
Sa pamamagitan ni Assistant Commissioner Atty. Vincent Philip C. Maronilla, itinaguyod ng bureau ang pagsisikap ng ARTA na ma-streamline ang government services.
Binigyang-diin niya na ang BOC ay tutuparin ang pangako na suportahan ang mga inisyatiba ng ARTA, sa pagpapasimple ng mga hakbang para sa foreign donations, relief goods, at pagpapahusay sa disaster response.
Si Acting Deputy Commissioner for Internal Administration Group ng BOC, Michael C. Fermin ang tumanggap ng ‘plaque of recognition’ para sa Bureau, sa walang tigil na suporta sa mga programa ng ARTA sa buong taon.
Nakahanay sa ‘ARTA’s mission of promoting ease of doing business’, ang BOC ay nagpasimula ng modernization projects upang i-streamline ang mga proseso ng customs, na nagkamit ng 96.99% digitalization rate.
Bukod dito, dapat ding banggitin ang isinagawang ‘roll out’ ng eTravel System noong Nobyembre 21, 2023, kung saan pinapayagan ang mga pasahero at crew na magsumite ng elektronikong impormasyon nang maginhawa, na pagtulong sa BOC na makaiwas sa panganib ng pag-profile.
Sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang partnership sa pagitan ng BOC at ARTA ay pinalakas, binibigyang-diin ang mga ahensya ay may sama-samang dedikasyon sa pagbibigay ng mabisa at business-friendly environment.
Ang nasabing pagkilala ay isang ‘milestone’ para sa BOC, para muling pagtibayin ang kanilang pangako na aktibong mag-aambag sa patuloy na pagpapahusay ng mga proseso ng gobyerno.
(JO CALIM)
