TRUCK DRIVER INATAKE HABANG NAGMAMANEHO

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang truck driver na bumagsak at nawalan ng malay habang nagmamaneho sa Trece Matires City noong Huwebes ng gabi.

Isinugod sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Jesus” subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa truck helper na si Nelson, nagmamaneho ang biktima sa kahabaan ng Governor’s Drive, Purok 2, Brgy. Hugo Perez, Trece Matires City nang mawalan ito ng malay at bumagsak bandang alas-9:45 ng gabi.

Humingi ng tulong ang truck helper hanggang sa dumating ang transport vehicle ng CDRRMO at isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Ayon sa asawa ng biktima, dumaranas ng hypertension si alyas “Jesus” kaya hinihinalang inatake ito.

(SIGFRED ADSUARA)

22

Related posts

Leave a Comment