MULING nagpalabas ng paalala sa publiko ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mapagsamantalang mga indibidwal ngayong holiday season.
Ayon sa BOC, dapat maging maingat sa mga tawag, mensahe, o email na nagsasabing mayroon kayong package o parcel na nakabinbin sa BOC at kinakailangan ninyong magbayad thru personal bank account o money remittance upang ito ay mailabas.
Madalas ay nagpapanggap silang taga-BOC o foreigner.
Ang pagbabayad ng customs duties at taxes ay maaari lang gawin sa BOC cashier o sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks (AAB).
Kung sakaling maging biktima kayo ng ganitong uri ng panloloko, mag-check muna sa website ng DTI kung ang nasabing courier o forwarder ay accredited.
Ayon pa sa ahensya, maaaring makipag-ugnayan sa BOC para tiyakin kung ang resibo, tracking number, at iba pang dokumento na natanggap ay totoo o pekeng impormasyon lamang.
