NAGPAHAYAG ng buong suporta si Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, kasama ng buong BOC community, sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women.
Ito ay sa pamamagitan ng pag-post ng banners at materials sa BOC platforms at pakikiisa sa “Wear Something Orange” na aktibidad noong Disyembre 1, 2023.
Sa panahon ng kampanya, inihayag ni Commissioner Rubio ang pangako ng Bureau sa pagtatag ng polisiya na nakatuon sa kapaligiran hindi lamang sa pagresolba sa mga suliranin na may kaugnayan sa usapin ng customs kundi maging sa pagsalungat sa karahasan laban sa kababaihan sa lugar ng trabaho.
Binigyang-diin niya, ang BOC ay patuloy sa kanilang suporta para sa Philippine Commission on Women para palakasin ang boses ng kababaihan at mawakasan ang gender-based abuse.
Kasabay nito, mariing kinondena rin ni Commissioner Rubio ang pag-aabuso sa kababaihan, sa paghighlight ng kanyang mensahe na ang “violence in any form is utterly appalling and unacceptable.”
Tiniyak din niya na ang Bureau ay matatag na ituloy ang kanilang misyon na dapat tugunan sa pamamagitan ng Gender and Development Focal Point System—Technical Working Group.
(JOEL O. AMONGO)
276