3 human trafficking victims tinangkang palusutin AIRPORT EMPLOYEE SUMA-SIDELINE NA ESCORT, BUKING

NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ang tatlong pasahero na tinangkang lumabas ng bansa patungong Dubai, UAE, pasakay ng biyaheng Thailand, na iniskortan pa umano ng empleyado ng paliparan.

Ang mga pasahero ay nagkunwaring magkaibigan mula General Santos City subalit nabistong pawang mga biktima ng human trafficking.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, lumabas sa secondary inspection na hindi magkakilala ang mga biktima at umamin na ni-recruit sila upang magtrabaho bilang household service workers sa Dubai, sa pamamagitan ng Facebook.

Ibinunyag din ni Tansingco na nakita ring iniiskortan ng airport employee ang mga ito sa immigration counters.

“Immigration supervisors promptly intervened, signaling that such actions were unauthorized and against protocol,” ayon kay Tansingco.

Sinabi pa ni Tansingco, ipinagbabawal ang sinomang airport immigration employees na mag-escort sa mga biktima ng human trafficking.

(JOCELYN DOMENDEN)

258

Related posts

Leave a Comment