294 MILF, MNLF MEMBERS NANUMPA BILANG MGA BAGONG PULIS

“SA pangunguna ng ating mahal na Pangulong [Ferdinand] Bongbong Marcos [Jr.], we remained to be steadfast dito sa [Bangsamoro] peace process. Dito ninyo makikita ang sinseridad, ang kabaitan ng ating Pangulo, ng ating gobyerno.”

Ito ang pahayag ni Department of The Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na siya ring pinuno ng National Police Commission (NAPOLCOM), sa isinagawang panunumpa ng 294 na mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front, bilang mga bagong miyembro ng Philippine National Police.

Sinaksihan din ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Sec. Carlito G. Galvez, Jr. ang oath-taking at turnover ceremony kahapon para sa mga dating miyembro ng Islamic Liberation Front bilang bagong recruit sa pulisya, sa Camp Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.

Mula sa naturang bilang, 255 na mga lalaki at 39 na mga babaeng dating kaanib ng MILF, at MNLF ang nanumpa bilang bagong mga pulis sa ilalim ng recruitment program nito.

Ang kabuuang 294 na mga bagong pulis na ito ay itatalaga sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) para punan ang nasa 400 slots na inilaan para sa MILF at MNLF Recruitment Program para sa CY 2023.

“You will be training physically, mentally to become instruments of peace. Undeniably, you will face challenges, hardship, struggles. At the end of this road, there is triumph. Kung merong bagyo, merong araw. Kung may kadiliman, merong kalinawan,” paalala pa ni Abalos.

(JESSE KABEL RUIZ)

249

Related posts

Leave a Comment