(NI ABBY MENDOZA)
NANINIWALA si San Juan Rep Ronaldo Zamora na ang poor ratings ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nakatanggap ito ng -17 points ay bunsod ng mga black propaganda.
Ayon kay Zamora, sa kabila ng paninira kay Arroyo lalo na sa isyu kamakailan sa 2019 budget ay hindi pa rin naman ito natinag dahil tumaas pa rin ang kanyang satisfaction rating na mula -21 ay naging -17 o tumaas ng apat na puntos.
“Her approval ratings still rose despite the virulent black propaganda that was hurled against her during the intramurals on the budget,”pahayag ni Zamora.
Aniya, hindi alintana ni Arroyo ang paninira sa kanya lalo at hindi naman approval rating ang habol ng dating pangulo.
“The style of Speaker GMA has always focused on getting results and work done rather than on the approval ratings,”dagdag pa nito.
Inihalimbawa pa ni Zamora ang uri ng pamumuno ni Arroyo na nakita sa gitna ng lindol kung saan napuruhan ang Porac, Pampanga.
“The recent earthquake showed us the kind of leadership SGMA has as she is more focused on helping the victims, cutting short her participation in scheduled events to see for herself the rescue and rehab efforts following the earthquake,” giit nito.
164