P3-M UKAY-UKAY NASABAT NG PCG

TINATAYANG P3 milyong halaga ng ukay-ukay na damit ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Matnog Port sa Sorsogon noong Huwebes.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng paneling inspection ang PCG K9 Team nang mapansin nila ang mga bundle ng ukay-ukay sa loob ng isang sasakyan.

Nang hanapan ng dokumento, nabigo ang tsuper ng sasakyan na magpakita kaugnay sa legalidad ng mga ukay-ukay kaya kinumpiska ng PCG ang naturang mga item.

Ayon sa PCG, lumabag ang tsuper sa Republic Act No. 4635 na nagbabawal sa importasyon ng “used clothings at basahan” para sa proteksyon sa kaligtasan at dignidad ng mga Pilipino.

Ipinasa na ng PCG ang nakumpiskang mga ukay-ukay sa Bureau of Customs (BOC) na siyang pangunahing ahensya ng pamahalaan na may responsibilidad sa paglaban sa pagkalat ng ukay-ukay sa bansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

273

Related posts

Leave a Comment