Sunog patuloy na inaapula ng PAF firefighters ITOGON, BENGUET FOREST FIRE: 60% EXTINGUISHED

TATLONG araw nang nakikipagsagupa sa nagaganap na forest fire ang mga tauhan ng Philippine Air Force para makatulong sa Bureau of Fire Protection at local government units para maapula ang apoy na lumalamon sa 50 ektaryang kagubatan sa Itogon, Benguet.

Ayon kay Col. Maria Consuelo Castillo, ang tagapagsalita ng Hukbong Panghimpapawid, gamit ang dalawang Super Huey helicopters, pinipilit ng mga tauhan ng 505th Search and Rescue Group ng PAF na mapigilan ang paggapang ng apoy sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Dalupirip, sa bayan ng Itogon sa Benguet hanggang kahapon, na nagsimula pa noong Enero 26, 2024, gamit ang Bambi Bucket at tuloy-tuloy ang kanilang water drops firefighting operation.

“Despite operational limitations at night and the challenging mountainous environment including strong winds, the 505th Search and Rescue Group of the Philippine Air Force has extinguished 60% of the forest fire in the mountains of Itogon, Benguet,” ayon sa update na ibinigay ng PAF kahapon.

Ayon kay Col. Castillo, hanggang kahapon ay nagsasagawa pa rin ng helibucket operation ang kanilang choppers para makontrol ang apoy na lumalamon pa sa 30 ektarya.

“The PAF through Tactical Operations Group 1, under Tactical Operations Wing Northern Luzon, is continuously working alongside the Bureau of Fire Protection of Itogon to reach 90% containment of the fire before declaring it under control,” paliwanag ni Castilo.

(JESSE KABEL RUIZ)

174

Related posts

Leave a Comment