HINIMOK ni Senador Chiz Escudero ang Commission on Elections na irealign ang multi bilyong pisong pondong laan nito para sa plebisito at referendum.
Ito ay makaraang ihayag ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na nangako na sa kanya si Pangulong Bongbong Marcos na aapela sa Kamara at sa iba pang initiator na itigil na ang pagsusulong ng people’s initiative
Bukod pa ito sa desisyon mismo ng poll body na itigil na ang lahat ng proseso kaugnay sa People’s Initiative.
Sinabi ni Escudero na makabubuting ilaan at gamitin ang pondo sa mas kinakailangan na pagkakagastusan ng comelec tulad ng preparasyon para sa 2025 midterm elections.
Una nang inirealign ng Kamara ang malaking bahagi ng pondo ng comelec para sa paghahanda sa eleksyon at inilipat para sa pagsasagawa ng plebisito at referendum.
Sa ilalim anya ng konstitusyon, may kapangyarihan ang comelec na i-realign ang sarili nitong pondo nang hindi na kinakailangan ng pag -apruba ng kongreso.
(Dang Samson-Garcia)
134