DRILLING SA MASUNGI MAGPAPALUBOG SA NCR

NAGBABALA ang isang mambabatas sa Kamara na lulubog sa baha ang buong National Capital Region (NCR) kahit mahinang ulan lang kapag hindi itinigil ang drilling activities sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, tanging ang Masungi Georeserve ang proteksyon ng Metro Manila sa matinding pagbaha subalit dahil sa aktibidad na ito ay asahan ang matitinding pagbaha pagdating ng ulan.

“We call for the immediate stop and relocation of this project by the Rizal Wind Energy Corp. (RWEC) whose parent company, Singapore-based Vena Energy, would wreak havoc on our fragile ecology and spell dangerous floods like those experienced now in Mindanao,” ani Castro.

Dahil dito, kailangan aniyang bawiin ang lahat ng permit na ibinigay ng gobyerno sa nasabing kumpanya upang protektahan ang huling depensa ng Metro Manila sa baha at mapanatili ang nasabing kabundukan.

Wala aniyang silbi ang karagdagang supply ng kuryente kung mangangahulugan ito ng matinding trahedya pagdating ng tag-ulan lalo na sa Metro Manila.

“The drilling inside the Masungi Karst Conservation Area for the planned wind energy farm poses a severe threat to the environment, particularly endangering the local bird and bat species as well as the delicate ecosystem of the area,” giit ni Castro.

Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas sa Kongreso na magsagawa ng imbestigasyon para irekomenda na ilipat sa ibang lugar ang proyekto at maprotektahan ang nasabing lugar sa pagkasira.

“Mukhang gigil na gigil talagang mapasok ng mga negosyante ang Masungi Georeserve at gagamitin ang lahat ng palusot para pagkakitaan ang mga yaman nito na walang pakundangan sa kalikasan,” dagdag pa nito.

“We stand in solidarity with the caretakers of the Masungi Georeserve in their advocacy for the protection of this vital ecological site. It is imperative that we uphold environmental laws and consult with key stakeholders to ensure the sustainable management of our natural resources,” ani Castro.

(BERNARD TAGUINOD)

147

Related posts

Leave a Comment