MISTULANG ubos na pasensya ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil anim na taon mula nang maging batas ang National ID system ay wala pang hawak na ID ang halos lahat ng Pilipino.
“It’s been almost six years since the National ID was enacted into law and I was one of those lawmakers who first filled in the PSA forms to have one. I’ve all but given up on waiting for my national ID. Parang nagkalimutan na ata,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil halos araw-araw ay nakatatanggap ang mga ito ng reklamo sa pagkaantala ng national ID.
Ang tanging hawak aniya ng mga tao ay ang inimprentang digital ID na hindi naman kinikilala, hindi lamang ng mga ahensya ng gobyerno kundi maging ng pribadong sektor.
Bagama’t may parusa umano sa mga hindi kikilala sa National ID ay hindi masisisi ang mga tumatanggi rito dahil walang specimen signature ang digital ID.
“Without a specimen signature on it, the Philippine National ID has apparently been rendered useless as a proof of identity for its owner because it does not bear the holder’s signature,” ayon pa sa mambabatas.
Ang nasabing batas o Republic Act (RA) 11055 o PhilSys national ID ay nilagdaan noong Agosto 8, 2018 at pinaglaanan ng malaking pondo.
Gayunman, 2024 na aniya ay wala pa ang totoong National ID ng mga tao gayung noong July 2022 ay ipinangako ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 50 million ID ang kanilang iisyu sa katapusan ng nasabing taon.
“But there appears to be no update or data available on its compliance. A national ID means all Filipinos should have these IDs. But where are we now with regard to the rollout of this system? Because our people are now asking, where did all those billions of pesos go to fund this project?,” ayon pa kay Barbers.
(BERNARD TAGUINOD)
194