PINSALA NG LINDOL UMABOT NA SA HIGIT P500-M

lindol12

UMAABOT na sa halos P500 milyon ang pinsalang naidulot ng lindol na tumama sa Luzon, ayon sa disaster agency nitong Linggo.

Lumikha ng panic ang 6.5 magnitude na lindol kung saan nagtakbuhang palabas ang mga empleyado bandang alas-5:11 ng hapon noong Lunes. Nawasak din ng lindol ang Clark International Airport at hindi nakapag-operate sa loob ng 48-oras, gayundin ang paggiba sa apat na palapag na gusali ng Chuzon supermarket, isa sa pinakamatinding napinsala ng lindol sa Porac, Pampanga.

Tinataya sa P505.9 milyong halaga ng 334 imprastraktura ang naapektuhan sa Metro Manila at sa Ilocos, Central Luzon at Calabarzon regions, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa pinakahuling report ng ahensiya, ang  Central Luzon ang sinasabing  pinakamatinding napinsala na umabot sa P222.6 milyon ari-arian ang nawasak kabilang ang mga eskuwelahan habang  P200 milyon sa mga kalsada at tulay, ayon pa sa report.

Namatay ang 18 katao sa lindol at sugatan naman ang 174 iba pa. Lima naman ang naitalang nawawala.

 

163

Related posts

Leave a Comment