JOBS PORTAL SA 1.3-M NEWLY GRAD IPINAGAGAWA SA DEPED, CHED

depedched12

(NI ABBY MENDOZA)

IMINUNGKAHI ni 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Bong Belaro sa Commission on Higher Education(CHED) at Departmemt of Education(Deped) na pangunahan ang isang jobs fair para sa mga graduates ng kolehiyo at senior high school.

Ayon kay Belaro, kung may sariling jobs portal ang dalawang ahensya ay mapapadali na makakuha agad ng trabaho ang may 1.35 milyon na newly grads.

Ani Belaro, sa ilalim ng jobs portal ay maaring ma-access agad ng mga employer ang mga resume maging ang electronic diploma at transcript ng mga graduates.

“Two of the last things students should accomplish before graduation are their resume and application cover letter. These should then be uploaded to the jobs application portal where prospective employers can choose the graduates to invite for job screening.” paliwanag ni Belaro.

Sa ganitong paraan umano ay hindi na mahihirapan ang mga nagsipagtapos na mag isa-isa sa aaplayang trabaho dahil mismong ang employer na ang titingin sa jobs portal ng CHED at DEpEd na sya na ring sasala sa mga aplikante na nais nilang tawagan para sa interview.

Makatutulong din na mismong ahensya ang magsagawa ng jobs fair.

“Mas mapapadali umano ang school-to-work at school-to-entrepreneurship kung mabubuksan agad ang isang job portal.

Samantala, hinimok din ng mambabatas ang mga bagong graduates na pagbutihan ang paggawa ng resume dahil magbibigay ito ng magandang impresyon sa aplikante kung kumprehensibo ang kanilang resume.

163

Related posts

Leave a Comment