IKINATUWA ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para maging batas ang Eddie Garcia Act noong nakaraang Huwebes.
“Nagagalak tayo na sa wakas, pagkatapos ng ilang taon na pagsisikap ay napirmahan na ang Eddie Garcia Act. Malaking tagumpay ito para sa mga manggagawa sa movie and television industry,” ani Nograles, chairman ng House Committee on Labor and Employment.
Ang Republic Act No. 11996, ay nilagdaan ni Pres. Marcos noong Mayo 24, na nag-uutos sa implementasyon ng work hours, wages at iba pang ‘wage-related benefits, social security and welfare services, basic necessities, health and safety, working conditions and standards and insurance to ensure workers’ welfare.’
Layunin ng batas na bigyan ng mas mahusay na proteksyon ang mga manggagawa sa movie and television industry, ayon pa kay Nograles.
“This law will require employers to provide workers or contractors a copy of a contract stating the number of work hours, job position and description, period of employment, details of compensation and other conditions that will affect the person’s work,” banggit pa ng mambabatas.
“They will also be required to adhere to all laws related to workers’ occupational safety and health standards and provide all workers with government-mandated benefits,” dagdag pa niya.
Nagpahayag din ng paniniwala ang mambabatas na ang pinagtibay na batas ay makatutulong na maprotektahan sa mga aksidente sa trabaho at pang-aabuso ang mga manggagawa sa TV and movie industry.
Hinikayat din ni Nograles ang buong industriya na sumunod sa nasabing batas.
“Let us place more value in our workers, without whom the industry would not thrive. Itaguyod po natin ang kapakanan ng mga manggagawa, nang mas maayos silang makapagtrabaho. Sama-sama dapat sa pag-usad, walang iwanan,” pahayag pa ni Nograles. (JOEL O. AMONGO)
323