(NI NELSON S. BADILLA)
LUMILITAW na walang pakialam ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa libu-libong pasahero ng mga provincial bus araw-araw, sapagkat itutuloy nito ang pagpapasara sa mga terminal ng 46 provincial bus terminals sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagsasara ng mga bus terminal na nakapuwesto sa EDSA ay malaking tulong upang mabawasan ang trapik sa EDSA.
Sa datos ng MMDA, umaabot 8,000 yunit ang kabuuang bilang ng mga bus na byaheng lalawigan, samatalang 4,000 naman ang city buses ang pumapasada sa Metro Manila.
Ani Garcia, pag-uusapan na lang sa pulong ng MMDA at Department of Transportation (DOTr) sa susunod na linggo ang detalye sa pagbabago ng ruta ng provincial at city buses upang hindi maguluhan ang mga pasahero.
Tutukuyin at ipipermis ang ruta ng mga bus galing Northern Luzon papuntang Metro Manila, sa kabilang banda, ang mga bus na ang ruta ay mula sa Southern Luzon patungong Metro Manila, sa kabilang banda.
Ang terminal ng mga bus galing Northern Luzon ay nakapuwesto sa Valenzuela City.
Ang mga bus naman galing Southern Luzon ay sa Sta. Rosa, Laguna nakapuwesto ang kanilang terminal.
“Nais naming matiyak ang availability ng mga city buses na magsasakay ng mga pasahero mula sa interim terminals bago simulan ang dry run sa paggamit ng [nasabing] terminals,” banggit ni Garcia.
Kumbinsido si Garcia na “makakapagpaluwag ng trapiko sa EDSA, partikular ang mga yellow lane, para sa city buses kapag wala nang terminal ang mga provincial bus sa EDSA.
Sa Hunyo ang target ng MMDA na isara 46 bus terminals sa EDSA.
228