(NI BERNARD TAGUINOD)
HINIKAYAT ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga consumers, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa lahat ng panig ng bansa na maglagay na ng solar panel sa kanilang mga bahay upang makatipid sa kuryente.
Ginawa ni House committee on energy chair Lord Allan Velasco ang panghihikayat sa publiko dahil taun-taon na lamang nagkakaroon ng power shortage lalo na sa panahon ng tag-init.
Upang maenganyo ang mga consumers na maglagay ng solar panel sa kanilang mga bahay, kailangang sabayan ito ng Department of Energy (DOE) ng information campaign upang maging matagumpay ito.
Naniniwala ang mambabatas na kapag may solar power ang lahat ng mga bahay, mababawasan ang kanilang bayarin sa kuryente at masiguro na mayroong sapat na supply ng kuryente sa buong bansa.
375