NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na paigtingin ang information dissemination campaign laban sa leptospirosis at mpox.
Sa Local Governance Summit 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, kinilala ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng LGUs sa pagbibigay proteksyon sa public health sa pamamagitan ng implementasyon ng kaukulang hakbang at pagtaas sa public awareness.
Dahil dito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga lokal na opisyal na tugunan ang ‘improper garbage disposal at poor waste management’ na sanhi ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis at dengue matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Carina at Habagat.
“Our solid waste management problem is a major factor that caused flooding as well in the Metro during the onslaught of Typhoon Carina and the Southwest Monsoon in the last month. Local chief executives must work harder to utilize environmentally sound methods and waste minimization measures to protect public health and of course, our environment,” ayon sa Chief Executive.
Nauna rito, nanawagan ang Pangulo sa LGUs’ na patuloy at aktibong lumahok sa “Kalinisan Program” ng Department of the Interior and Local Government, isang inisyatiba na naglalayong pagsama-samahin ang pagsisikap na mapanatili at makapagbigay ng malusog at ligtas na kapaligiran sa publiko.
Tinuran ng Pangulo na mahalaga na makasama ang LGUs para mapabuti ang ‘waste disposal at management’ sa bansa. (CHRISTIAN DALE)
114