HIGIT P1-B ‘PORK’ PARA KAY BBM PINAHAHARANG

(BERNARD TAGUINOD)

NABABAHALA ang oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa blank check na nagkakahalaga ng P158.6 bilyon na ibibigay umano kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa susunod na taon.

Ayon sa grupo ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, habang tumatagal ay lumolobo ang unprogrammed fund na dapat tutulan ng sambayanang Pilipino upang hindi lumala ang tinatawag nilang “presidential corruption”.

“Unprogrammed appropriations have become a new form of Presidential Pork Barrel,” ani Clarice Palce, secretary general ng Gabriela na kinakatawan ni Brosas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ng grupo na hindi na normal ang P158.6 billion unprogrammed funds sa 2025 na saka lamang ipatutupad kapag may sobra sa pondo ng national government o kaya makautang ng karagdagang pera sa labas bansa.

Subalit ang ikinababahala ng grupo ni Brosas ay kapag walang sobrang pondo at hindi makautang ang pamahalaan ay isasakripisyo ng mga ito ang pondo ng ibang ahensya ng gobyerno tulad ng ginagawa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kinunan ng P89.9 billion para pondohan ang unprogrammed projects ngayong 2024.

“The President has the discretion to alter funding priorities using unprogrammed funds, effectively bypassing the legislature’s power of the purse. This unchecked authority endangers transparency and accountability, allowing the President to reallocate resources without proper oversight,” ayon pa kay Palce.

Dahil dito, umapela ang Gabriela sa publiko na maging mapagbantay at iginiit na maging transparent ang gobyerno sa paggamit ng pondo ng bayan.

87

Related posts

Leave a Comment