(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
PARA sa maraming netizens, uri ng korupsyon ang pagpe-perform ng British pop band na Duran Duran sa bonggang birthday party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan.
Ito ay kahit pa sinasabi ng Malakanyang na libre at sorpresang handog ang party ng mga kaibigan ng pangulo.
Maging abogado, law professor, at TV personality na si Dean Mel Sta. Maria ay sang-ayon dito. Katunayan, sa X platform ay nag-post din ang abogado ng ganito:
“PUBLIC OFFICERS MUST LIVE MODEST LIVES. KUNG NIREGALUHAN ng malaking bagay ang isang politiko at tinanggap naman nito, hindi maiiwasan na magkaroon ng perception ang madla na ang politikong ito ay magkakaroon ng either sense of gratitude or utang-na-loob para masuklian ang nagbigay. Ito ang maaaring maging simula ng favoritism at cronyism na magdudulot ng corruption. Kahit na binigla pa siya ng regalong ito — whether in cash or kind — is irrelevant. Dapat, kung nasa harap na niya ito, either tinanggihan niya o umalis na lang siya, lalong lalo na kung ang posisyon niya sa gobyerno ay napakataas. Hindi nya pwedeng sabihin na kahiyaan na kung aalis siya sapagkat ang posisyon nya ay dapat magpakita ng example sa bayan natin na kung saan naiulat na about 2.5 million ang homeless (250,000 mga kabataan), about 2 million ang walang trabaho at baon ang bayan sa P15 trillion pesos na utang. Sabi rin sa ating constitution PUBLIC OFFICERS MUST AT ALL TIMES LEAD MODEST LIVES (Article 11 Section 1 1987 Constitution). Ang mga kawani ng gobyerno ay dapat mamuhay nang buong kapakumbabaan.”
Bunga nito, hindi naiwasang isipin ng netizens na tinangkang magpapogi ni Marcos nang ilibre nito ang mga bayarin ng mga pasyente sa public hospitals noong kanyang kaarawan bilang ‘birthday treat’ aniya sa mga ito upang mapagtakpan ang magarbong selebrasyon.
111