(JOCELYN DOMENDEN)
SA gitna ng malaking hamon sa pamamayagpag ng korupsyon sa pamahalaan, handa ang dating executive secretary ng Marcos administration na si Atty. Vic Rodriguez na pangunahan ang pagsusulong ng giyera laban dito sa Senado.
Si Rodriguez ay lumahok sa halalan bilang independent candidate at nais pamumunuan ang tunay na oposisyon.
Nakuha niya ang endorsement ni dating pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi sa ilalim ng PDP-Laban.
Naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador si Rodriguez sa Manila Hotel Tent City nitong Martes.
Isa sa dahilan ng paglahok niya sa pambansa at lokal na halalan sa 2025 ang talamak na korupsyon sa bansa.
“Gaya po ninyo niyo, hindi ko rin matanggap na magpatuloy ang ganitong uri ng baluktot na pamunuan.”
Aniya tumugon siya at nakinig sa pakiusap ng overseas Filipino workers at sa hamon ng hakbang ng Maisug na pamunuan ang tunay na oposisyon.
“Ako ay naghain ng certificate of candidacy bilang independent candidate sa pagka-senador bilang sagisag ng pagkilala at pagsagisag na mga Pilipino ay ang Republika ng Pilipinas at ang ating kaalyado ay kayong mga Pilipino”.
Ayon pa kay Rodriguez, ipagpapatuloy niya ang panawagan ng Maisug ng transparency, accountability, peace, security and good governance.
1Bagamat aminado si Rodriquez na mabigat ang kanyang tatahaking landas ngunit panatag aniya ang kanyang kalooban na mas higit na nakararaming Pilipino ang kanyang kasama.
92