CLERGY FOR GOOD GOVERNANCE INILUNSAD NG KAPARIAN

MAHIGIT dalawang daang pari, obispo mula sa iba’t ibang Diocese sa Luzon, Visayas at Mindanao ang lumagda bilang convernors ng Clergy for Good Governance (CGG).

Layunin ng grupo na tugunan ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa na may kinalaman sa moralidad, espiritwal at maging pulitikal.

Ang Clergy for Good Governance ay binubuo ng 211 na pari sa buong bansa.

Bago ang launching, isang misa ang ginawa sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad tulad nina dating DICT Sec. Eliseo Rio at dating Agriculture Asec. Kristine Evangelista.

Sinabi ni Fr. Joel Saballa, isa sa mga bumubuo ng Clergy for Good Governance, nagsimulang mabuo ang naturang samahan noong nakalipas na Oktubre para buhayin ang dati nilang samahan na Clergy for Moral Choice for Good Governance.

Kasama rin sa pagtutuunan nila ang makatarungan at maayos na pamamahala kaugnay ng nalalapit na 2025 Midterm election.

Inilahad din nila ang pitong panawagan sa pamahalaan at taumbayan na kinabibilangan ng pagsusulong ng mabuting pamamahala, electoral reforms, paglaban sa political dynasty, laban sa kurapsyon, respeto sa karapatang pantao, respeto sa Human Rights, proteksyon sa kapaligiran at soberanya sa West Philippine Sea. (PAOLO SANTOS)

54

Related posts

Leave a Comment